Home METRO Bangkay ng sanggol isinilid sa karton ng sapatos, itinapon sa tulay sa...

Bangkay ng sanggol isinilid sa karton ng sapatos, itinapon sa tulay sa Maynila

MANILA, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang sanggol na isinilid sa kahon ng sapatos at iniwan sa isang tulay sa Tondo, Maynila.

Nadiskubre ng tatlong batang nakabisikleta sa bahagi ng Rodriguez ang nasabing karton at nagpulasan ang mga ito nang makita ang bangkay.

Ilang saglit pa ay nakita na rin ito ng mga opisyal sa barangay na ini-report naman sa pulisya ang insidente.

Iniimbestigahan naman ang isang lalaking nakabisikleta na suspek sa pag-iwan sa sanggol base sa isinagawang backtracking ng barangay. RNT

Previous articleUmaaligid na dambuhalang sawa pinaghahanap pa rin sa Pangasinan
Next articlePabrika ng armas sa Marikina tinupok ng apoy