Home HOME BANNER STORY Banta ng anthrax sa publiko, ‘very low’ – DOH

Banta ng anthrax sa publiko, ‘very low’ – DOH

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health nitong Sabado, Marso 30 na patuloy nitong minomonitor ang sitwasyon ng anthrax sa ibang bansa.

Kasunod nito ay siniguro ng ahensya ang publiko na napakaliit ng tsansa na kumalat ang sakit sa malaking bahagi ng populasyon.

Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng DOH na ang anthrax ay hindi kumakalat mula sa isang tao patungo sa isang tao katulad ng ubo o sipon.

“It is caused by a bacterium called Bacillus anthracis, which produces spores. Animals, like livestock, are the ones most affected. The risk of the general public getting infected by anthrax is very low,” saad sa pahayag.

“Veterinarians, farmers, livestock personnel, and other workers who handle animals and their products may have a higher risk. Because the risk is specific to certain populations and occupations, available vaccines for anthrax are not used for the general population.”

“Because the risk is specific to certain populations and occupations, available vaccines for anthrax are not used for the general population. The public can avoid getting anthrax by avoiding raw or undercooked meat or meat products. Avoid contact with livestock or animal remains,” pagpapatuloy ng DOH.

Matatandaan an ipinag-utos na ni Thailand Prime Minister Srettha Thavisin ang pagtutok sa mga alagang hayop matapos ang outbreak sa anthrax sa kalapit na bansa ng Laos.

Mahigit 50 suspected human case ng anthrax ang naitala roon.

“The DOH is closely monitoring developments in other countries that have reported a higher than usual number of anthrax cases. The DOH shall also be coordinating with the Department of Agriculture for preventive measures for animals, including livestock,” anang DOH.

Mula Enero 2017 hanggang Disyembre 2023, mayroon lamang 82 hinihinalang kaso ng anthrax ang naitala sa Pilipinas, at mula Enero 1 hanggang Marso 29, 2024 ay wlang naitalang “anthrax health events.” RNT/JGC

Previous articlePBBM sa mga Kristiyano: Mamuhay na katulad ni Kristo
Next articleJanella, nag-topless sa bday!