Home ENTERTAINMENT Janella, nag-topless sa bday!

Janella, nag-topless sa bday!

Manila, Philippines – Is there such a thing as “social media birthday celebration”?

Well, as far as Janella Salvador is concerned, there is!

Ang kaibahan nga lang ng sa Kapamilya actress, the occasion came with a shocking paandar.

On her Instagram post, ipinangalandakan ni Janella ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan in her half-naked glory.

Makikita sa kanyang IG photo na nakadapa siya sa puting-puting kama nang walang pang-itaas.

Tanging maong pants lang ang suot niya, pero mababanaag ang malulusog niyang dibdib na naiipit sa tagiliran.

Nilakipan ni Janella ng simple pero liberated na caption ito na: “I guess this is 26!”

Mala-coming of age ngang matatawag ang paandar na ‘yon ni Janella.

Tanggap naman ‘yon ng kanyang mga fans who are looking forward to watching her 10th anniversary concert at the New Frontier Theatre on April 19.

Hirit pa ng mga netizens, in case daw magtampo uli si Janella sa Star Magic ay makakaasa ang aktres na sasaluhin siya ng Vivamax.

Bongga nga raw kung sa halip na ahas ang nasa ulo ni Janella like her Valentina role ay nakatakip ito sa kanyang private parts.

‘Yun nga lang, may gumawa na nito noon, at ayaw siyempre ni Janella nang gaya-gaya! Ronnie Carrasco III

Previous articleBanta ng anthrax sa publiko, ‘very low’ – DOH
Next articleBoss Toyo, tinabla si Ariel!