Home ENTERTAINMENT Boss Toyo, tinabla si Ariel!

Boss Toyo, tinabla si Ariel!

Manila, Philippines – “Classic” talagang maituturing ang komedyante at vlogger na ring si Ariel Villasanta.

Si Ariel ang partner ng sumikat nilang tandem ni Maverick.

Among the shows they did together ay ang The Misadventures of Maverick and Ariel.

Nagkaroon pa si Ariel ng show kasama ang kanyang komedyante ring ina na si Mommy Elvie.

Isa na lamang “kasaysayan” si Mommy Elvie na namayapa na.

For his part, kahit man lang sa alaala ay pinipilit i-immortalize ni Ariel ang kanyang mommy dearest.

Ariel gathered bits of memories na naiwan ni Mommy Elvie.

“Alam mo,” bungad niya kay Boss Toyo na sinadya pa niya sa tindahan nito, “kahit pulburon na ang nanay ko, gusto talaga niyang nagpapatawa!”

Seryosong kasing inialok ni Ariel kay Boss Toyo ang urn ng ina.

Bonus o freebie na lang daw ibibigay ni Ariel ang pustiso ni Mommy Elvie if maisara nila ang deal.

Kaso, pinalagan ito ni Boss Toyo sa takot na baka raw siya dalawin ng ina ni Ariel.

Sa halip, ang binili ni Boss Toyo mula sa komedyante ay ang dala-dala nitong framed poster.

Makikita sa nakakuwadrong poster ang signature all-pink outfit ni Ariel, iba’t ibang klaseng shades at malaking diamond ring.

Pinresyuhan ito ni Ariel ng kalahating milyong piso, pero nagkasundo sila sa P140k.

By the way, mapapanood si Ariel sa afternoon soap ng GMA na Lilet Matias: Attorney-at-law. Ronnie Carrasco III

Previous articleJanella, nag-topless sa bday!
Next article19 insidente ng pagkalunod, naitala sa Semana Santa – PNP