Home NATIONWIDE Banta ng pamamaril sa paaralan sa Ilocos Norte iniimbestigahan na

Banta ng pamamaril sa paaralan sa Ilocos Norte iniimbestigahan na

1
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng pulisya at mga opisyal ng paaralan sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte ang magkahiwalay na report ng umano’y banta ng pamamaril sa Bacarra National Comprehensive High School (BNCHS) nitong Huwebes, Oktubre 1.

Isang indibidwal ang umano’y nakarinig na posibleng mangyari ang pamamaril sa loob ng paaralan.

Agad namang nakipag-ugnayan ang pulisya sa mga opisyal ng paaralan at nagpatupad ng security measures.

Samantala, sinabi rin ng BNCHS na mayroon ding nagpost ng banta sa kaligtasan sa social media.

Nakipag-ugnayan na ang mga opisyal ng paaralan sa magulang ng estudyante.

Iniulat din ng paaralan ang kumakalat na report tungkol sa posibleng pamamaril.

Sa kabila nito, batay sa initial assessment ay “no credible shooting threat has been established at this time.”

Nagbalik na ang klase at operasyon sa BNCHS ngayong Biyernes, Oktubre 2. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here