Home NATIONWIDE Banta ng Pogo sites malapit sa PH military bases binubusisi ng AFP 

Banta ng Pogo sites malapit sa PH military bases binubusisi ng AFP 

MANILA, Philippines- Nagsasagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng “thorough review” ng “potential risks” ng Philippine Offshore Gaming Operation (Pogo) sites malapit sa military bases, ayon sa tagapagsalita nitong si Col. Francel Margareth Padilla nitong Miyerkules.

Tiniyak ito ni Padilla sa gitna ng paghihinala sa lokasyon ng Pogo sites malapit sa AFP sites, na tinawag ni security expert Chester Cabalza na isang “Trojan horse” na maaaring gamitin ng China upang magsagawa ng “surprise attack” laban sa key military installations.

“AFP is conducting a thorough review in coordination with relevant government agencies,” ani Padilla sa isang panayam.

“We’re trying to evaluate potential risks associated with this operation,” dagdag ng opisyal.

Sinabi ni Padilla na patuloy nilang babantayan ang developments at siniguro na pipigilan ang anumang banta sa national security.

“We’ll continue to monitor the situation and we will take necessary actions to mitigate any threats, if there is any, to national security,” giit ni Padilla.

“In our part, we remain vigilant and proactive in protecting our country’s national interest,” patuloy niya.

Subalit, muling inihayag ni Padilla na ang pagkakaroon ng Pogo sites malapit sa AFP facilities ay hndi maituturing na national security threat. RNT/SA