Home ENTERTAINMENT Joshua, may paliwanag sa no-show sa kasalang Carlo-Charlie!

Joshua, may paliwanag sa no-show sa kasalang Carlo-Charlie!

Manila, Philippines- Inisnab nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon?

Tanong kasi ng mgsa netizen, bakit wala si Joshua sa kasal ng dalawa na ginanap noong Linggo, June 9 sa isang resort sa Cavite.

Matatandaang nagkapareha sina Joshua at Charlie sa Kapamilya teleseryeng ‘Viral Scandal’ noong 2021.

Si Carlo naman ay makakasama ni Joshua sa upcoming Philippine adaptation ng South Korean drama series na It’s Okay to Not to Be Okay, kung saan gaganap silang magkapatid.

Akala tuloy ng iba ay hindi okay si Joshua sa mag-asawa, pero ang totoong dahilan ay may shooting that time ito sa Quezon City.

Nagsimula na ang shooting ng comeback movie nina Joshua at Julia Barretto na ‘Un/Happy For You” na dahilan nga kung bakit hindi nakadalo ang aktor sa nasabing kasalan.

Sunod-sunod na ang shooting nila ng ‘Un/Happy For You’ dahil sa August 14 na ito ipapalabas sa mga sinehan.

Sa katunayan ay hindi rin makakadalo si Joshua sa premiere night ng kanyang movie na Fruitcake dahil may shooting sila ni Julia ng nasabing pelikula sa Bicol.

Busy lang talaga si Joshua sa shooting ng pelikula nila ng dating ka-loveteam at girlfriend kaya nga hindi ito nakadalo sa kasal nina Carlo at Charlie.

Huwag na sana siyang intrigahin na inisnab niya ang kasal ng newly wed. Rommel Placente