Home HOME BANNER STORY Bantang kudeta ng grupong “Third Force” ‘di totoo – DND

Bantang kudeta ng grupong “Third Force” ‘di totoo – DND

147
0

LAOAC, Pangasinan – Iginiit ng Department of National Defense Secretary na si Gilberto Teodoro Jr. na walang namonitor na banta mula sa tinatawag na “Third Force” na diumano’y nagpaplanong agawin ang kapangyarihan at magtatag ng civilian-military junta.

“Wala. Alam mo as responsible citizens, why don’t they execute the proper affidavit and file it with the law enforcement and prosecution officials so it can be investigated properly. Kung meron talagang ebidensya,” ani Teodoro sa isang ambush interview.

Kumalat sa social media ang usapin tungkol sa “Third Force,” na may mga post na nag-aangkin na maaaring magplano ang grupo ng bombings o assassinations at sisihin ang oposisyon o mga whistleblower na nagbubunyag ng katiwalian upang bigyang-dahilan ang isang unconstitutional takeover.

Hinihikayat din ng mga post ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumilos.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla nitong Lunes ng gabi, hindi pinapansin ng militar ang “unvalidated social media posts” at nananatiling nakatuon sa kanilang tungkulin ayon sa Saligang Batas.

“Sa panahong kailangang magkaisa ang bansa sa pagtugon sa mga posibleng epekto ng kasalukuyang krisis sa Gitnang Silangan, nananawagan kami sa lahat ng Pilipino na maging mahinahon, iwasan ang disinformation, at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng kalituhan at hidwaan,” ani Padilla. Dave Baluyot 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here