Home NATIONWIDE Bantang SIM suspension mula sa pekeng DICT staff dedmahin – CICC

Bantang SIM suspension mula sa pekeng DICT staff dedmahin – CICC

MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko na huwag pansinin ang mga tawag na nagbabanta ng SIM suspension.

Sinasabi ng mga scammer na ang mitsa ng SIM suspension ay mga ilegal na aktibidad tulad ng illegal recruitment para sa overseas work, online casinos, at human trafficking. 

Bukod dito, nagpapanggap silang mga empleyado ng Department of Information and Communications (DICT). 

Inihayag ni CICC executive director Alexander Ramos na nakatanggap ang kanyang opisina ng mga reklamo kaugnay ng caller na nagpapanggap bilang isang DICT employee na nagngangalang Nikki Garcia.

Sasabihan ng scam caller ang kanyang biktima na sususpendihin ang SIM nito dahil sa iba’t ibang paglabag. Kaya naman, umapela si Ramos sa publiko na huwag pansinin ang mga tawag mula sa mga kahina-hinala o anonymous callers.

“Please be alert at all times, and do not be deceived by people who pretend to be from the DICT or any other government agency,” dagdag niya.

Mandatoryo ang Subscriber Identity Module (SIM) registration sa ilalim ng Republic Act No. 11934. Isinabatas ito ng pamahalaan noong Oktubre 10, 2022, at umiral noong Disyembre 27, 2022.

“By reporting to authorities, you are also helping other people by preventing them from becoming future victims,” giit ng  CICC executive director. RNT/SA