Manila, Philippines- Kung gaano kakulimlim ang paligid ay siya ring malungkot ang kalagayan ni Billy Crawford.
Of late ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram page ang malungkot na balitang namaalam na ang kanyang ama.
Matagal nang naninirahan sa Texas, USA si Jack Crawford.
Ayon kay Billy, nagkaroon na raw ng maraming kumplikasyon ang ama.
Pero hindi binanggit ni Billy ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.
Humingi naman ng dispensa si Billy dahil ‘di man lang siya nakapagpaalam before his dad breathed his last.
“My main man” nga ang tawag ng TV host-actor sa ama whose only dream was to see his grandchild o anak ni Billy.
Dagdag ni Billy, marami raw siyang aral na natutunan mula sa kanyang ama na ipapasa niya raw sa kanilang anak ni Coleen Garcia.
Bumuhos naman ng pakikiramay ang social media account ni Billy mula sa mga kapwa celebrities tulad nina Aga Muhlach, Alex Gonzaga, Ryan Bang at mga kasamahan sa
Kapuso network at maging mga dating co-hosts sa It’s Showtime.
Ang taospusong pakikiramay ng Remate Online sa pamilya ni Billy Crawford. Ronnie Carrasco III