Home METRO Barangay captain, 2 pa sugatan sa pananambang sa Zambo

Barangay captain, 2 pa sugatan sa pananambang sa Zambo

MANILA, Philippines- Sugatan ang tatlong indibdiwal, isa sa kanila ay barangay captain ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay, matapos pagbabarilin sa Zamboanga City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jul-asmad Anjawang, Barangay Captain ng Mamansaan, Mabuhay, at kapatid nitong si Jimar Anjawang.

Gayundin, nagtamo ng sugat sa kamay ang isang miyembro ng Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) na kasama ng mga biktima.

Inaalam pa ng awtoridad ang kaganapan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito.

mula nang ipatupad ang election gun ban, ito ang unang insidente ng pamamaril sa Zamboanga City.

Sa kasalukuyan ay mahigit 60 kaso na ng pamamaril ang naitala sa lungsod mula noong Enero. RNT/SA