MANILA, Philippines – Limang drug suspect, kabilang ang isang barangay health worker, ang arestado sa buy-bust operation ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) noong Martes, Nob. 26.
Kinilala ni Pasay City Police chief Col. Samuel Pabonita ang mga suspek na sina “Tita,” 56 anyos, barangay health worker; “Roy,” 22; “Hapon,” 26; “Aba,” 28; at “Bongzki,” 34.
Nadakip ang mga suspek dakong ala-1:40 ng hapon. sa Barangay 30, Zone 5.
Narekober ng pulisya sa mga suspek ang 9.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P67,320.
Kasalukuyan silang nakakulong sa SDEU custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT