CAUAYAN CITY, Isabela – Nakikipaglaban kay kamatayan dahil sa mga tinamong sugat ng saksakin ng kapwa magsasaka matapos ayaw magbayad ng kanyang utang sa suspek sa Brgy. Nungnungan 1 dito sa nabanggit na siyudad.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na matagal nang may alitan ang dalawa dahil sa utang ng biktima sa pinaghihinalaan.
Nangyari ang pananaksak dakong alas dyes kagabi kung saan pinasok ng pinaghihinalaan ang bahay ng biktima at habang natutulog ang biktima ay sinaksak umano siya ng suspek gamit ang kutsilyo o kitchen knife.
Nagawa namang maipagtanggol ng biktima ang kanyang sarili at makahingi ng tulong sa kanyang kapitbahay dahilan upang mahuli rin ang suspek.
Nagtamo ng mga sugat ang biktima na agad dinala sa Cauayan City District Hospital ngunit kalaunan ay inilipat din ito sa isang pribadong pagamutan dito sa nasabing siyudad. Rey Velasco