Home METRO Barangay sa NegOcc nakakuha ng P1.2M solar-powered streetlights

Barangay sa NegOcc nakakuha ng P1.2M solar-powered streetlights

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Barangay Canlusong, ang pinakamalayong barangay sa E.B. Magalona, Negros Occidental, ng P1.2 milyong halaga ng solar-powered streetlight project.

Nasa kabuuang 53 solar-powered streetlights ang inilagay upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente tuwing gabi mula sa barangay proper patungo sa Purok Kawayan.

Pinondohan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) program, ang proyekto, kung saan P21,000 ang sinagot ng munisipyo. RNT/JGC