Home HOME BANNER STORY Barangay, SK elections tuloy sa Nob. 2, 2026 – Comelec

Barangay, SK elections tuloy sa Nob. 2, 2026 – Comelec

238
0

MANILA, Philippines – Tuloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahit pa na tapat ito ng All Soul’s Day sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia.

Ayon kay Garcia ang iskedyul na Nob.2 ay nasa pagpapasya ng Kongreso.

Aniya dahil bahagi ito ng long weekened makaka-uwi ang mga botante sa kanilang mga probinsya kung saan nagkakaroon sila ng pagkakataon na bomoto.

Sinabi ni Garcia na nakumpleto na ang pag-imprenta ng mga balota at nasa proseso na ng beripikasyon ng Comelec.

Mahigit-kumulang 95 milyon ang balota aniya dahil mayroong 70 milyong balota para sa regular na botante at 25 milyong para sa Sangguniang Kabataan.

Dagdag pa, nakuha na rin ng Comelec ang halos kailangan para sa halalan.

Ang susunod na iskedyul ay ang pagsasanay para sa mga guro na magsisilbi sa panahon ng botohan at ang paghahain ng certificates of candidacy sa Setyembre.

Sinabi ni Garcia na mas maayos ang kanilang preparasyon dahil sa pag-reset ng halalan ngunit umaasa silang hindi na ito ma-reset pang muli.

Isang mahalagang pagkakataon rin aniya para sa publiko upang suriin kung ang kanilang mga pinuno ay karapat-dapat pa rin sa kanilang mga boto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here