Home METRO Barangay tanod todas sa pamamaril

Barangay tanod todas sa pamamaril

BACOLOD CITY- Patay sa pamamaril ang isang barangay tanod sa Barangay Laga-an, Calatrava, Negros Occidental nitong Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Alexander Alquizar, 54, ng Barangay Laga-an.

Sinabi ni Police Major Ronald Santillan, Calatrava police chief, nasa bukid ang biktima bandang alas-5:30 ng umaga nang dumating ang grupo ng kalalakihan at pagbabarilin siya. Nasaksihan ng asawa ng biktima ang insidente mula sa malayo.

Binawian ng buhay si Alquiza dahil sa ilang tama ng bala.

Ani Santillan, posibleng hinintay ng mga suspek ang biktima sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Hindi umano inaalis ang posibilidad na maaring insurgency-related ang krimen.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad. RNT/SA