Home ENTERTAINMENT Barbara, nagbabalik showbiz, nagpaliwanag sa mga nakarelasyon!

Barbara, nagbabalik showbiz, nagpaliwanag sa mga nakarelasyon!

Manila, Philippines – Isa ang dating aktres at sexy star na si Barbara Milano sa mga talents na bibigyan ng movie ngayon ng Borracho Films.

Kasama niyang pumirma ng 8-year contract kamakailan lamang sa Valle Verde Country Club ang mga new discoveries ni Atty. Ferdie Topacio (CEO ng Borracho Films) na sina Fiona Phoebe, Anyah Koh, Stella Blanca, Luna Bella at Tala Zaldivar (co-host ni Atty. Topacio sa show niya).

Sa nasabing pirmahan ng contract cum mediacon na rin ay natanong si Barbara kung bakit after na pumasok siya sa politics ay muli siyang nagbabalik sa ating showbiz world at ang kanyang naging kasagutan ay nami-miss na daw niya kasi ang buhay showbiz at ang pakikipag-bonding niya sa movie writers.

Natanong din siya kung true ba na nagkaroon siya ng past relationship sa yumaong ex president na si Noynoy Aquino?

Umiwas itong sagutin ang tanong at bigyan na lang daw ng respeto ang isang taong patay na.

Oo nga naman.

Niwey, natanong din siya tungkol sa kung ano’ng nangyari sa naging relasyon nila noon ng isang sikat na pulitiko at broadcaster.

Naging emosyunal ang Barbara at ayaw banggitin kung sinex ito as in ayaw na niyang pangalanan pa.

Pero may ilang showbiz writers ang nag-search sa google at lumitaw ang namesung ni Senador Raffy Tulfo, seymo Joey Sarmiento?

Although inamin naman ni Barbara na minahal niya ang guy na ayaw niyang pangalanan at tatlong taon din naman daw silang tumagal bilang magka-relasyon.

Pero hindi daw niya alam noon na pamilyado na pala si Sen. Rafffy kaya boom, not meant to be sila sa forever ika nga.

And now, hinaharap na lang niya ang saying na….past is past…’yun na!

Niwey, binalita naman ni Atty. Ferdie Topacio na starting today, December 1, 2023, ay mapapanood na rin sa Netflix ang kanyang first produced action movie titled Mamasapano na pinagbidahan ni Edu Manzano.

And when asked by yours truly si Atty. Topacio kung meron ba siyang napusuang artistang  babae as in na-inlabey siya at kung sino, ang natatawa niyang sagot ay, “Sabi nga ni Ate Luds noon, careful….careful,” na ikinahalakhak rin ng mga present sa nasabing mediacon ng Borracho Film Productions.

Although hindi naman daw maaiaalis na meron siyang mga hinangaan lalo na yung magagandang artista natin pero hanggang paghanga lang daw lalo na kung magaling umarte sa big screen.

Hmmnnn…may point siya in pernes, devah naman Anne Venancio da pretty PRO ng Borracho Film Productions?

Yes sir, pretty si Anne sa true lang maski ask nyo pa ang best friend niyang si Eric B.

Insert smiley! Mercy Lejarde