Home ENTERTAINMENT Showbiz friends, emosyunal sa KathNiel breakup!

Showbiz friends, emosyunal sa KathNiel breakup!

Manila, Philippines – Eleven years is eleven years.

Sa loob ng panahong ito’y imposibleng hindi lumalim ang pag-libigan at pinagsamahan nina

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

At sa loob din ng mahabang panahong ‘yon, kasama nila ang kanilang mga malalapit na kaibigan whose lives both Kathryn and Daniel had touched.

On their own ay baka nga nangarap din silang maging KathNiel, wanting to see themselves in enduring relationships with the persons they love.

Hindi lang ang mga KathNiel fans ang nalungkot sa Instagram admission ng dalawa tungkol sa kanilang paghihiwalay nitong November 30, Huwebes.

Even their closest showbiz friends were just as hurt if not devastated.

Makikita ang kani-kanilang social media posts pagkatapos ng kanilang pag-amin.

Sa kaso ni Ivana Alawi, she posted a crying emoji.

In Ruffa Gutierrez’s case, inamin niya na napaiyak daw siya: “I’m crying right now. Love you both!”

Maging ang mga close sa KathNiel na sina Vice Ganda, Angelica Panganiban at Joshua Garcia played on the word “yakap” as they consoled the former couple.

Post ng Unkaboggable Star: “Yakap na mahigpit.”

Post naman ni Angelica: “Mahigpit na mahigpit na yakap, Kath.”

Post naman ni Joshua: “Yakap.”

Sa kabila ng pag-amin nina Kathryn at Daniel sa estado ng kanilang relasyon, umaasa ang kanilang mga tagahanga na dumaraan lang sila sa pagsubok at pasasaan ay magkakaayos din sa bandang huli.

Kaya? Ronnie Carrasco III

Previous articleSharon tamang maintain sa figure, patikim-tikim na lang sa buffet!
Next articleBarbara, nagbabalik showbiz, nagpaliwanag sa mga nakarelasyon!