Home ENTERTAINMENT Sharon tamang maintain sa figure, patikim-tikim na lang sa buffet!

Sharon tamang maintain sa figure, patikim-tikim na lang sa buffet!

Manila, Philippines – Grabeng disiplina ang pinaiiral ni Sharon Cuneta ma-maintain lang niya ang gumanda nang hubog ng kanyang pangangatawan.

Upon herself, may ilan siyang in-impose when it comes to food intake.

Halimbawa na lang kung buffet ang nakahain for everyone to choose and savor with gusto.

Kung ang karaniwang kumakain will fill his plate with a variety of viands in large quantities ay hindi raw ganoon ang estilo ng Megastar.

In her words, patikim-tikim na lang daw siya.

She does not overindulge na parang wala nang bukas.

Kitang-kita naman ang ebidensya with her svelte figure.

Sa katunayan, kalahati na raw ng mga damit niya noon ang isinusuot niya these days.

Pero ang alam namin, sa isang panayam kay Sharon in recent memory ay sinabi niyang nakukulangan pa raw siya sa nabawas na timbang sa kanya.

Katumbas daw ng “isang tao” ang natapyas off her weight.

This makes the singer-actress feel a lot lighter and easier to move around.

Samantala, may “hangover” pa rin si Sharon sa tinamong tagumpay ng kanilang Dear Heart concert ni Gabby Concepcion.

As in hindi pa raw nagsi-sink in sa kanyang kamalayan how successful it was.

Naibalita rin kasi ni Sharon na may niluluto ring reunion movie nila ni Gabby.

“Kung maganda naman ang usapan, why not?” ani Sharon who welcomes the idea.

Pero nakasalalay raw ‘yon sa kani-kanilang mga manager.

Maganda rin sana kung tulad ng concert nila ni Gabby sa SM MOA ay may partisipasyon din ang kanilang anak na si KC sa pelikula. Ronnie Carrasco III

Previous articleSarah, olats kay Moira; Popsters, hindi matanggap!
Next articleShowbiz friends, emosyunal sa KathNiel breakup!