Home ENTERTAINMENT Sarah, olats kay Moira; Popsters, hindi matanggap!

Sarah, olats kay Moira; Popsters, hindi matanggap!

Manila, Philippines – Consistent chart-buster si Moira de la Torre.

Inilabas na ng Spotify ang kanilang maagang yearend chart para sa taong 2023.

Nanguna na naman si Moira.

Interestingly, mula pa noong 2017 namamayagpag si Moira sa nasabing streaming music app.

Taong 2016 nang huling makopo ni Sarah Geronimo ang No.1 spot.

Mula 2017 hanggang ngayon ay hindi na naagaw kay Moira ang trono, ika nga, bilang OPM Most Streamed Female Artist.

Samantala, si Zacko Tabudlonaman ang tinanghal na Most Streamed Male Artist this year.

This is Zack’s second year of victory.

Nagpasalamat siya dahil naisakatuparan niya ang kanyang musical dream.

Nagbalik-tanaw si Zack noong bata pa siya who dreamt big in the field of music.

Nasa loob daw siya ng isang mallit na silid using his grandmother’s laptop creating music.

Hindi raw siya pinanghinaan ng loob kahit marami ang nagsasabing hindi siya magtatagumpay.

Nilait-lait din kasi ang kanyang mga awitin.

Pero sa halip na ma-discourage ay ginamit niyang inspirasyon ang lahat ng panlalait na ‘yon to become what he aspired to be.

As for Sarah, marami sa kanyang mga tagahanga ang tila kumukuwestyon kung bakit for seven years now ay laglag siya.

Hindi matanggap ng mga fans ng Popstar Royalty ang pagka-olats niya kay Moira. Ronnie Carrasco III

Previous articleMark at Jomari, bati na!
Next articleSharon tamang maintain sa figure, patikim-tikim na lang sa buffet!