Home ENTERTAINMENT Mark at Jomari, bati na!

Mark at Jomari, bati na!

Manila, Philippines –  Apat hanggang limang taon ding inabot ang hidwaan sa pagitan ng dalawang miyembro ng Guwapings.

Ang Guwapings ay ang trio na kinabibilangan nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso.

Namayagpag ang nasabing grupo noong dekada sitenta.

Supposedly, ang reunion movie ng tatlo ay pelikula sa ilalim ng Viva Entertainment, ang Para Kang Papa Ko.

Ang kontrobersyal na si Daryll Yap ang direktor nito.

Kaso, ang plano sanang pagsamahing muli sina Mark, Jomari at Eric fizzled out.

Nag-back out kasi si Jomari sa naturang proyekto.

Sa halip ay si Jao Mapa took the place of Jomari.

Sa recent mediacon ng pelikula inamin mismo ni Mark na for four or five years ay hindi sila maayos ni Jomari.

Pero paglilinaw niya, kahit daw magkasalungat ang kanilang paniniwala sa pulitika tulad ng sinusuportahang partido o alyansa, walang kinalaman ang pulitika sa kanilang hidwaan.

Aminado si Mark na nagtampo siya sa dating Guwapings co-member.

Isang araw ay bigla na lang daw siyang tinawagan ni Jomari sa telepono.

Nagkapaliwanagan daw sila and ended up patching up their differences.

Ngayon daw ay okey na sila ni Jomari lalo’t both of them are a lot more mature.

Samantala, hindi nangiming inamin ni Mark na loveless siya ngayon.

Hiwalay na raw sila ng matagal niyang nakarelasyon.

This is in stark contrast sa masayang buhay-pag-ibig ni Jomari na ikinasal na sa first love nitong si Abby Viduya sa Las Vegas nitong early part of November.

Nag-back out man sa kanilang supposed reunion movie, willing pa rin daw si Mark na makatrabaho si Jomari in the future.

Mark’s and Jomari’s respective sons Grae and Andrè are also in showbiz. Ronnie Carrasco III

Previous articleChavit, niregaluhan si Michelle ng kotse!
Next articleSarah, olats kay Moira; Popsters, hindi matanggap!