Home ENTERTAINMENT Chavit, niregaluhan si Michelle ng kotse!

Chavit, niregaluhan si Michelle ng kotse!

239
0

Manila, Philippines – Kung dati ay one of those lang si Michelle Dee kapag kasama ang mga kabarkadang artista tulad nina Rhian Ramos at iba pa, ngayon ay mabangong-mabango na ang pangalan niya simula nang maging representative ng Pinas sa katatapos na Miss Universe beauty pageant.

Biglang sumikat nga ni Michelle kahit natalo siya sa controversial na beauty pageant dahil imbes na mapasama siya sa Top 5 ay biglang nawala ang beauty niya.

Marami ang hindi nakakaalam na nakuha ni Michelle ang pagiging action star ng kanyang ama na si Derek Dee, na dating sikat na action star.

Ayon nga sa mga sumuporta kay Michelle ay babagay siya maging isang Sanggre para sa action-pantaseryeng Sangre: The Encantadia Chronicles.

In real life, isang air force reservist  si Michelle na nakapasa siya sa training kaya puwede siyang sumabak sa bakbakan.

Bagay din sa beauty queen/actress ang mag-host  ng show dahil matalino ito at may kumpiyansa sa sarili.

Sa rami ng sumusuporta  at nakikisimpatiya kay Michelle ay hindi pa rin masasabing talunan siya.

Dagsa ang offer sa kanya ngayon at maging ang former franchise owner ng Miss Universe na si Chavit Singson ay humanga din kay Michelle kaya niregaluhan siya ng isang brand new luxury car.

Matatandaan na dahil na rin sa nangyaring “dayaan” sa nasabing prestigious beauty pageant ay nagpahayag daw ang successful businessman na si Chavit na balak niyang bilhin ang prangkisa ng Miss Universes para maputol na ang taon-taong controversial issues na nagaganap sa contest.

Nagpapasalamat naman si Michelle sa lahat ng mga kababayan na nagbigay sa kanya ng moral support.

Samantala, ultimong ang transgender na nagmay-ari ngayon ng Miss Universe ay may mga sarili ring isyu  bukod sa nangyaring iskandalo sa mismong organisasyon.

Recently ay napahayag ito kay Clint Bondad ng `goodbye messages` na tila tinatapos na nito ang anumang ugnayan sa hunk model. Matatandaan na si Clint ang hunk model na napabalitang isa sa diumanong `toy boy` ni Anne Jakrajutatip.

Pero itinanggi naman ito ng transgender owner ng beauty pageant dahil kapatid o nakakatandang kuya lang daw ang turing niya rito pati na kanyang pamilya.

Halos isang taon ding tumira sa bahay ni Anne sa Thailand ang binata.

Tinawag ni Anne na `delusional` si Clint na pinayuhan pa na mag-move forward  na at ayusin ang buhay. Gerry Ocampo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here