Home NATIONWIDE DOH: Respiratory illness sa Tsina nakahahawa pero ‘di kasing lala ng COVID

DOH: Respiratory illness sa Tsina nakahahawa pero ‘di kasing lala ng COVID

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Health na ang mga kaso ng respiratory illness na kumakalat sa ilang bahagi ng China ay lubhang nakakahawa at ngunit hindi gaanong malala kaysa sa COVID-19.

Ayon pa kay DOH Undersecretary Eric Tayag na ang bacterial infection ay mas banayad kaysa sa COVID-19.

Tulad ng ilang mga strain ng COVID, ang mga asymptomatic na pasyente ay maaari ring manghawa ng mycoplasma pneumonia, ayon kay Tayag, at idinagdag na ang bakterya ay “notorious” na nagtatagal.

Aniya maari itong maihawa sa ibang tao sa pamamagitan ng close contact.

“It is so contagious that even before symptoms appear like a cough, one who is infected can already transmit it to another person via close contact,” saad ni Tayag.

Ayon pa kay Tayag, ang mycoplasma ay notiryus sa reinfection. Katunayan matapos ang gamutan ay maari itong tumagal ng ilang linggo at ang pasyente na nahawaan ng bakterya ay makakaranas ng ubo na tatagal ng apat na linggo o higit pa.

Kaya naman, laganap din ang mycoplasma pneumonia sa mga saradong lugar tulad ng mga paaralan, kulungan, o kabahayan, ayon kay Tayag.

Sinabi ni Tayag na ang nasabing pulmonya ay ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics, ngunit ang bacterial resistance ay maari ding maging alalahanin.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na walang dapat ikabahala dahil ang virus at bakterya na kumakalat sa China ay hindi novel infections at ang gobyerno ay mahigpit na binabantayan ang sitwasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP323-M ismagel yosi winasak sa Zambo
Next articleChavit, niregaluhan si Michelle ng kotse!