Home ENTERTAINMENT Barbie at Jak, split na!

Barbie at Jak, split na!

Manila, Philippines- Seven happiest years.

Ganito katagal at kaligaya ang inabot ng relasyon sa pagitan nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Inanunsyo mismo ng GMA Primetime Princess sa kanyang Instagram ang paghihiwalay nila ni Jak nitong 6pm, January 2.

Walang ibinigay na dahilan si Barbie sa likod ng kanilang breakup ni Jak.

Sinimulan ni Barbie ang kanyang post with a quotation from the American children’s author Dr. Seuss.

“But sometimes things fall apart so that better things come together!” aniya.

Kumpara sa karaniwang hiwalayan ay walang himig ng kalungkutan sa kaso nina Barbie at Jak.

Tinawag ni Barbie na “the happiest” ang pagkakaroon niya ng nobyo sa kanyang buhay.

Dagdag niya: “Seven wonderful years. Lot of laughs and a lot of ramen!”

Umaasa si Barbie na mauunawaan siya ng publiko sa kanyang desisyon.

Makahulugan din niyang tinapos ang kanilang relasyon, nang walang puwang ang pag-iyak bagkus ay ngiti.

“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened!”

Ikinalungkot naman ng napakaraming tagahanga ang naturang breakup.

Nagkataon pa kasing may tinatawag na “seven-year itch” sa mga pagsasama.

‘Yun nga lang, sa kaso nina Barbie at Jak ay obyus namang walang third party involved.

Dalangin pa nga ng aktres na matagpuan ni Jak ang babaeng karapat-dapat sa kanya.

Who says parting is such a sad or bitter goodbye? Ronnie Carrasco III