Home ENTERTAINMENT Daryl Yap, may pasabog agad sa 2025!

Daryl Yap, may pasabog agad sa 2025!

Manila, Philippines- October last year nang ianunsyo ni direk Daryl Yap na gagawin niya ang pelikula ukol sa rape na sinapit ni Pepsi Paloma.

Si Pepsi ay dating bold star na nagpatiwakal noong 1985.

Inilabas mismo ni direk Daryl ang movie teaser sa kanyang Facebook page nitong unang araw ng kapapasok na buwan sa bagong taon.

May pamagat na The Rapists of Pepsi Paloma, ito’y ika-17 nang pelikula ni direk Daryl.

Ang napisil na gaganap bilang Pepsi ay ang dating child actress na si Rhed Bustamante.

Playing the role of Pepsi’s mother na ginampanan dati ni Charito Solis ay ang award-winning director na si Gina Alajar.

Si Mon Confiado naman ang magbibigay-buhay sa karakter ni Dr. Rey de la Cruz na manager noon ni Pepsi.

Kasama rin sa cast si Shamaine Buencamino at isang theatre actor na gaganap bilang Richie D’Horsie.

Obyus na sinadyang magpakakontrobersyal ang nasabing teaser dahil nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto.

Kung matatandaan, dawit sa kasong rape umano ang TV host-comedian at kapwa host at kaibigang si Joey de Leon, pati na rin si Richie.

Pero giit naman ni Tito Sotto, gawa-gawa o gimik lang ng manager ni Pepsi noon ang nasabing paratang dahil inireklamo sila ng libel ng mga ito.

As for direk Daryl, kababayan daw niya si Pepsi kung kaya’t interesado siyang gawin ang kuwento nito.

Tubong Olongapo si Pepsi na Delia D. Whitley sa tunay na buhay.

Hindi man aktibo ang mga nakasabay ni Pepsi noon na sina Coca Nicolas at Gil Guerrero ay maaari silang pagkunan ng impormasyon tungkol sa kung ano ang kanilang nalalaman sa rape case nito. Ronnie Carrasco III