Home ENTERTAINMENT Barbie Hsu ng Meteor Garden, namaalam na!

Barbie Hsu ng Meteor Garden, namaalam na!

Taipei, Taiwan – Malungkot na balita ang bumungad sa buong mundo na sa batambatang edad na 48 ay binawian na ng buhay ang Taiwanese actress na si Shu Yiyuan, na mas kilala sa tawag na Barbie Hsu.

Ayon sa statement ng kanyang kapatid na ipadaan sa kanyang agent, nasa Japan Tour si Barbie para sa Chinese New Year nang tamaan ito ng influenza.

Sa kasamaang palad ay nagdulot ito ng pneumonia sa kanya na siya niyang ikinasawi.

Taong 2001 nang sumikat si Barbie bilang bidang babae na si Shan Cai ng Meteor Garden sa Pilipinas. Leading man niya rito ang kapwa Taiwanese actor na si Jerry Yan.

Matapos nito, ang ilan sa high profile events na kasama siya ay ang launching ng Tissot pati na rin ang pagkakaroon niya ng wax figure sa Madame Tussauds.

Naging laman rin ng balita ang kanyang divorce kay Wang Xiaofei noong 2021.

Apektado ang maraming millennials sa Pilipinas dahil importanteng parte si Barbie ng kabataan nila.

Eto ang ilang top posts sa X:

“The reunion we needed will never happen again.” @kowalerts

“You will always be remembered, Shan Cai of Meteor Garden.” @maryjhoanaa

“Rest in peace, Barbie Hsu. Thank you for making my childhood happy.” @featherconnects. Trixie Dauz