Home ENTERTAINMENT Barbie, to-the-rescue kay Herlene, pinuri!

Barbie, to-the-rescue kay Herlene, pinuri!

Manila, Philippines – That’s called humanity!

Isa lang ito sa sandamakmak na papuring iginawad kay Barbie Forteza dahil sa kanyang pagsaklolo sa kapwa Kapuso star na si Herlene Budol.

Sa nakaraan kasing GMA Gala ay nahulog si Herlene habang rumarampa.

The untoward incident was caught on video.

Pero ang mas nakaagaw ng pansin ay ang maikling video showing Barbie rush to Herlene’s direction.

Kesehodang naka-ball gown at nakasuot ng high heels, tinungo ni Barbie ang kinaroroonan ni Herlene.

Hinawakan ni Barbie ang lower part ng kasuotan nito at saka inalalayan.

Dahil sa maagap na pagresponde ng GMA Primetime Princess ay inulan ito ng mga papuri mula sa mga netizens.

Bilib ang mga ito sa magandang asal ng aktres.

Lalo tuloy napagtanto ng mga netizens ang sinabi minsan ni Ivana Alawi tungkol kay Barbie.

Sa kabila ng kanilang magkaibang network affiliation, nababaitan daw si Ivana kay Barbie.

Sininggel out niya ito mula sa maraming Kapuso actresses.

For sure, walang ibang taong proud sa heroic act ni Barbie kundi ang kanyang nobyong si Jak Roberto. Ronnie Carrasco III