MANILA, Philippines – HINDI patay kundi baril at granada na nakasilid sa isang sako na sanay paglalagakan ng patay ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Gen. Emilio Aguinaldo ((GMA) Cavite.
Sa ulat, bandang alas-12:55 kahapon ng madaling araw nang nagsagawa ng inspection ang mga operatiba ng GMA Municipal Police Station at opisyal ng Barangay Lumipa ng posibeng cadaver dumpsite sa Maragondon-GMA Road sa Brgy Lumipa, ng nasabing bayan, pero isang sako ang bumungad sa kanila.
Nang siyasatin ang laman ng sako, isang kalibre 39 m1 na carbine at dalawang piraso ng granda ang bumuluga sa kanila.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nagmamay ari ng nasabing mga Armas habang nasa kustodiya ng GMA. Margie Bautista