Home NATIONWIDE PAOCC spox sinampahan ng kaso ng sinampal na empleyado

PAOCC spox sinampahan ng kaso ng sinampal na empleyado

MANILA, Philippines – Sinampahan ng mga kaso ng paninirang-puri ang isang dating tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, kasunod ng isang video na nagpapakita sa kanya ng pananampal sa isang manggagawa sa isang umano’y scam hub sa Bataan noong Okt.31

Ito ay makaraang iprisinta ni Bataan 2nd district Albert Garcia sa Kamara ang ilang CCTV footage sa compound ng Central One Raid sa Bagac, Bataan.

Ipinakita rin ni Garcia ang video ng umano’y paninigaw ng sinibak na PAOCC spokesperson Wilson Casio sa mga manggagawa ng POGO gayundin ang pag-tamper sa mga tauhan ng Philippine Criminal Investigation ang Detection Group sa mga CCTV camera sa compound .

Sinabi ni Rep. Garcia sa isang ulat  na dinistrongka at ibinababa ng mga operatiba ang mga CCTV camera na nangangahulugan na ayaw nila maging transparent.

Binigyan diin ng mambabatas na ang nangyaring pagsalakay ay maaring makadismaya o discourage sa mga investors na namumuhunan o magnegosyo sa kanilang probinsya.

Sinabi naman ng PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na ang isinagawang pagsalakay ay isang lehitimong operasyon.

Katunayan sinabi ni Cruz na may mga nakitang illegal na platforms sa mga computers ng mga sinalakay na POGO hubs.

Ayon kay Cruz, ang naturang mga illegal platforms ay mga nag-i-sponsor ng illegal gambling operations. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)