Home ENTERTAINMENT Kutob ni Ai-Ai: May 3rd party involved!

Kutob ni Ai-Ai: May 3rd party involved!

created by Polish

Manila, Philippines- May balidong pinanggagalingan ang kutob ni Ai Ai de las Alas na may third party sa paghihiwalay nila ng asawang si Gerald Sibayan.

Ito’y matapos mag-open up ang Comedy Queen sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk nitong November 11, coinciding with her 60th birthday.

Inilahad nga ni Ai Ai na through chat sa Messenger nakipagkalas sa kanya ang 30 anyos na mister.

Idinahilan ni Gerald na gusto na raw niyang magka-baby–bagay na hindi na maaaring ipagkaloob ng komedyana dahil sa kanyang edad.

Gayunpaman, Ai Ai said she tried her darnest best.

Sa katunayan, she even resorted to IVF o in vitro fertilization.

Tatlo ang naging embryo daw niya, dalawa roon ay hindi naging matagumpay.

Ikinalungkot daw ‘yon ni Gerald na asang-asa na magkakaroon sila ng supling.

Obyus na hindi na nakapaghintay si Gerald na mabuo si “Gold,” ang pangalang ibinigay nila sa ikatlong embryo.

Tahasang tinanong ni Boy kung sa palagay ba ni Ai Ai ay may third party.

Ramdam daw ng komedyana na meron.

Ito’y base na rin daw nang minsang magluko si Gerald.

Taong 2019 daw ‘yon.

Kumbaga, doon na isinilang ang “trust issues” sa kanilang pagitan.

Sabi pa ni Gerald sa chat, hindi na raw siya masaya sa piling ni Ai Ai.

As far as she’s concerned, bagu-bago pa lang daw noon ang kanilang relasyon ay aware na si

Gerald na wala na siyang kakayahang magbuntis.

Inamin din ni Ai Ai na mula nang makipaghiwalay si Gerald sa kanya’y hindi na niya ito kinausap.

Pointless na raw ‘yon matapos nitong sabihin ang dahilan why he wanted to break up with her.

‘Yun din daw ay bilang respeto niya sa kanyang sarili.

Isang bukas na aklat ang buhay pag-ibig ni Ai Ai sa publiko.

Throughout her life, nakatatlo siyang seryosong pakikipagrelasyon.

Ito’y sa ama ng kanyang panganay na anak na si Sancho Vito, si Rey Marte Cruz.

Sumunod ay ang US-based nang singer na si Miguel Vera, ama nina Nicolo at Sophia.

Bago si Gerald ay naging nobyo rin ni Ai Ai si Jed Salang ngunit turbulent ang naging nakaraan niya rito. Ronnie Carrasco III