MANILA, Philippines – PATULOY na pinupunan ng Malakanyang ang iba’t ibang ahensiya at tanggapan ng gobyerno.
Sa katunayan, naglabas ang Malakanyang ng listahan ng mga bagong Presidential appointees.
Itinalaga ni Pangulong Marcos si Michael Villafranca bilang Assistant Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Itinalaga naman si Vanessa Villanueva bilang Director VI ng DPWH.
Samantala, sina Premier Dee Ewigkeit Castro at Mariam Mautante ay itinalaga bilang Republic Attorney (Public Attorney V) sa ilalim ng Public Attorney’s Office (PAO).
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Juan Corpuz Jr. bilang acting member ng Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Catherine Lopez bilang Director II ng Department of Finance (DOF). Kris Jose