Home METRO Baril ng parak ninakaw; suspek kalaboso sa online selling

Baril ng parak ninakaw; suspek kalaboso sa online selling

211
0

MANILA, Philippines – Naaresto sa Taguig City ang isang lalaki matapos nakawin ang PNP-issued Galil automatic rifle ng isang pulis mula sa kanyang iniwang van sa Pasig at tangkaing ibenta ito online sa halagang ₱40,000, halos kalahati ng tunay na halaga nitong ₱100,000.

Ayon kay Pasig Police chief investigator Maj. Loreto Tigno, naiwan ng pulis ang baril sa loob ng van dahil sa pagmamadali nitong pumasok sa trabaho.

Nakuhanan ng CCTV ang suspek na sumira ng bintana ng sasakyan, kinuha ang baril at iba pang gamit, at sumakay ng jeep patungong Taguig.

Nahuli ang suspek sa isinagawang entrapment operation at ngayo’y nasa kustodiya ng pulisya. Ayon kay Tigno, sangkot din siya sa ilang serye ng nakawan sa Pasig at Taguig.

Samantala, nahaharap sa kasong administratibo ang pulis na nawalan ng baril dahil sa kapabayaan. Pinag-iingat din ng pulisya ang publiko laban sa pagbili ng mga hindi lisensyadong baril. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here