Home NATIONWIDE Barilan sa Senado ‘di palalampasin ni PBBM

Barilan sa Senado ‘di palalampasin ni PBBM

69
0

MANILA, Philippines – HINDI palalampasin ng administrasyong Marcos ang nangyaring putukan sa loob ng Senado noong May 13, at nangakong mananagot ang mga salarin.

Muling inulit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagbigay na nagbigay na ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), na imbestigahan ang lahat ng bagay at pangyayari na may kinalaman sa insidente.

Sa katunayan, kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon ang administrasyon matapos ang insidente.

“Sa unang araw pa lang nang mangyari ang shooting incident sa Senado ay inalam na ng Pangulo ang naganap at nabigyan siya ng ibang detalye habang isinasagawa ang mas malalim na pag-iimbestiga,” ayon kay Castro.

“Ang utos ng Pangulo ay alamin ang lahat ng pangyayari at panagutin ang mga may pananagutan sa nangyaring kaguluhan noong May 13, 2026,” dagdag na wika nito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here