Home NATIONWIDE Barko na may kargang e-waste mula Amerika, naharang sa Subic

Barko na may kargang e-waste mula Amerika, naharang sa Subic

1
0

MANILA, Philippines – Hinarang ng mga awtoridad ang barko at hindi pinayagang mai-discharge o maibaba ang tatlong container van na naglalaman ng E-Waste mula sa United States of America (USA) na dumating sa pantalan.

Kinumpirma ito ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic makaraang hindi nila pinayagang maibaba ang tatlong container van na naglalaman umano ng Toxic/Electronic Waste na lulan barkong MV Tokyo Express.

Ipinag-utos ni Customs Port of Subic District Collector Atty. Genniefelle Lagmay na huwag idiskarga sa pantalan ang tatlong container van na naglalaman ng {Electronic} Waste.

Sa ulat, dumating sa pantalan ang MV Tokyo Express nitong Miyerkules, July 22, 2026 lulan ang mga E-Waste mula New York, USA.

Ang naturang hakbang ng Customs ay pagtupad sa obligasyon ng Pilipinas bilang kasapi sa kasunduan ng Basel Convention (Treaty) at pagtupad sa probisyon ng batas sa ilalim ng Republic Act No.6969 o ang “Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990.

Nabatid na ang Estados Unidos ay hindi umano kasama o kasapi sa treaty/kasunduan sa ilalim ng Basel Convention.

Kinumpirma rin ng Customs na nakaalis nitong Huwebes, Hulyo 23 ang barko dala ang mga hindi naidiskargang basura. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here