Home NATIONWIDE Barko ng BRP binomba ng water cannon ng CCG sa Pag-asa Island

Barko ng BRP binomba ng water cannon ng CCG sa Pag-asa Island

278
0

MANILA, Philippines – Muling gumamit ng water cannon ang China Coast Gurad (CCG) laban sa dalawang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa Pag-asa island nitong Linggo, Oktubre 12 ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa press conference, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commododre Jay Tarriela, na unang iniulat na ang BRP Datu Pagbuaya lamang ang direktang tinaman ng CCG21559.

Ngunit maging ang BRP Datu Bankaw ay binomba rin ng tubig ng CCG habang nagsagawa rin ng mapanganib na maniobra laban sa BRP Datu Sanday.

Ayon kay Tarriela, katatanggap lang nila ang report mula sa BFAR.

Binanggit din niya na ang BRP Datu Pagbuaya lamang ang direktang tinamaan at nagkaroon ng epekto mula sa barko ng China sa kanilang panghaharas.

Sinabi ni Tarriela na ang tatlong barko ng BFAR ay ipinadala sa Pag-asa Island para sa “Kadiwa ng Bagong bayaning mangingisda (KBBM) program” upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang Pinoy doon.

Limang CCG vessels ang pumasok sa katubigang sakop ng Pag-asa Island –ang CCG vessel 5102, 21559, 5009, 3305, at 23519.

Namataan din ang nasa higit 15 Chinese maritime miltia vessels sa baybayin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here