Home NATIONWIDE Barko ng PCG na puno ng relief goods biyaheng-Bicol na!

Barko ng PCG na puno ng relief goods biyaheng-Bicol na!

150
0

MANILA, Philippines – Paparating na sa Bicol Region ang barko ng Philippine Coast Guard na puno ng relief goods.

Ayon kay Commodore Algier Ricafrente sa panayam ng ANC, ang barko ay inaasahang darating sa rehiyon ngayong araw, Oktubre 27.

Ang mga relief goods na kanilang ibinyahe ay mga donasyon sa pamamagitan ng ACT-CIS party-list at actor na si Gerald Anderson, na miyembro ng coast guard auxiliary.

Ipadadala ang mga ito sa mga lugar na tinukoy ng pamahalaan na nangangailangan ng tulong.

Sa Facebook post, sinabi ng PCG na ang BRP Cabra (MRRV-4409) ay umalis ng Manila port nitong Sabado karga ang mga food pack, bigas, inuming tubig, canned goods, noodles at kape.

Samantala, nagpapatuloy din ang coast guard sa pagtulong sa rescue at evacuation operations sa Bicol at Northern Luzon.

Sa katunayan, natulungan ng PCG ang nasa 20,000 residente na makalikas sa kanilang mga tahanan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Umasiste rin ang Coast guard units sa mga lokal na pamahalaan kung saan mayroong outpost at istasyon ang mga ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here