Home HOME BANNER STORY Barko ng PH, Tsina nagsalpukan sa Ayungin Shoal – CCG

Barko ng PH, Tsina nagsalpukan sa Ayungin Shoal – CCG

MANILA, Philippines- Nagbanggaan ang mga barko ng Pilipinas at ng China sa katubigan sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) nitong Lunes, ayon sa China Coast Guard.

Subalit, wala pang komento ang Philippine Coast Guard ukol dito.

Base sa CCG, lumapit umano ang Philippine supply ship sa Chinese ship.

Inihayag pa nito na ilegal na pumasok ang barko ng Pilipinas sa katubigan sa Second Thomas Shoal at binalewala ang ilang ulit na babala ng China, dagdag ng coast guard.

Hindi naman binanggit kung may nasaktan o kung may pinsala ang alin man sa dalawang barko.

Sa loob ng ilang buwan, nagtuturuan ang China at Pilipinas hinggil sa nagpapasimuno ng mapanganib na pagmaniobra at banggaan sa Ayungin Shoal, isang atoll sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ilang insidente na ang naganap nang mag-deploy ang Pilipinas ng resupply missions para sa mga sundalong Pilipino na nagbabantay sa BRP Siera Madre, isang matandang warship na nakasadsad doon upang igiit ang maritime claims ng Manila. RNT/SA