Home METRO Barko ng Tsina sa Kota Island, tinaboy ng PCG

Barko ng Tsina sa Kota Island, tinaboy ng PCG

2
0

PALAWAN, Philippines – Tinaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese maritime militia vessel (CMMV) at 24 maliliit na bangka na umano’y nangingisda malapit sa Kota Island sa Kalayaan Island Group nitong Lunes.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, namataan ang CMMV 9622, nasa 1.2 nautical miles hilagang-kanluran ng isla, bandang alas-10 ng umaga.

Nagpakawala umano ang barko ng 24 “sampans” na may tig-dalawang sakay at nakita umanong nangingisda sa loob ng 300 yarda mula sa isla.

Limang tauhan ng PCG mula sa Coast Guard Station Kota ang sakay ng rubber boat upang hamunin ang mga ito, ngunit hindi tumugon ang CMMV sa radio challenges. Sa hand signals lamang umano sinabi ng Chinese crew na aalis sila.

Kalaunan, lumayo sa lugar ang CMMV at lahat ng 24 sampans. Ligtas namang nakabalik sa istasyon ang mga tauhan ng PCG at walang naitalang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here