Home OPINION BARKO, SUBMARINE NG RUSSIA, US PAREHONG DELIKADO

BARKO, SUBMARINE NG RUSSIA, US PAREHONG DELIKADO

175
0

NITONG Nobyembre 28, 2024, namataan ng Philippine Navy sa West Philippine Sea ang isang Russian submarine na bumibiyahe mula Malaysia patungong Vladivostok, Russia.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for West Philippinhe Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi naman itinago ng mga crew ang kanilang mga sarili at naglayag nang nakalutang.

Nakilala ang submarine na Russian attack submarine UFA 490.

Namataan ang submarine na may layong 80 nautical miles mula sa Occidental Mindoro at habang naglalayag palayo sa sakop ng WPS.

Makaraan silang tawagan para magpakilala, sinabi nilang naglalayag sila ngunit ayon sa kalagayan ng panahon upang hindi sila madisgrasya sa masamang lagay ng karagatan.

Sa ngayon, pinaniniwalaang wala na sa West Philippine Sea ang nasabing submarine.

NAKABABAHALA

Hindi maituturing na kaaway ng Pilipinas ang Russia.

Walang iringan sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Bagama’t nakababahala ang nadiskubreng submarine, hindi sinasabi ng ulat na lumabag ito sa 12 nautical miles na teritoryong pandagat ng Pilipinas.

Tunay na nakababahala lang kung may iringan o digmaan ang Pilipinas at Russia.

Dahil napakalapit ang 80 nautical miles sa Pilipinas para pagmulan ng missile o nuclear bomb na ipuputok nila sa Pilipinas.

At lalong nakababahala kung lumapit sila nang husto sa Pinas para magpakawala ng kanilang mga bomba at missile.

Hindi naman pupwedeng isabit ang galaw ng ganitong military vessel sa iringan ng Pilipinas at China sa loob ng 200 milyang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ito’y dahil hindi naman hayagang nagsasabi ang Russia na kakampi nito ang China sakaling may giyera ang Pilipinas at China.

Maliban lang kung ang mga armas na galing sa Pilipinas na hawak ng mga Kano sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement na lugar ay pakakawalan laban sa Russia.

US VESSELS NAKABABAHALA RIN

Ang totoo, nakababahala rin ang pagpunta-punta ng mga barko ng US sa Pinas.

Unang-una, laging sinasabi ng mga Kano na “we neither confirm nor deny” kung may mga karga silang nuclear bomb o wala.

Nakababahala dahil sa isang disgrasya sa isang barkong may dalang nuclear bomb na dumaong sa pier ng Maynila, kapag malaki ang bomba, kaya nitong tunawin sa loob ng ilang segundo ang buong Metro Manila.

Kabilang sa pinakamalaking bomba ng mga Kano ang B61-13.

Kapag sumabog ang B61-13 nuclear bomb, tutunawin nito ang lahat ng tao at gusali mula sa pier ng Manila hanggang sa ika-25 kilometro ang layo.

‘Yun bang === hanggang sa boundary ng Taytay at Binangonan, Rizal o hanggang San Pedro, Laguna o hanggang Sta. Maria, Bulacan.

Ganyan katindi ang mga bombang nuclear.

Kaya naman, hindi pupwedeng hindi mabahala ang gobyerno sa mga submarine o iba pang barkong pandigma magmula man ang mga ito sa China, Russia o US, United Kingdom, France, Pakistan, India at iba pang mga bansang may nuclear bomb.

Kapag nagkagiyera ang US at China o Russia at binomba ng huli ang barkong US na nakadaong sa Pilipinas sa port of Manila, damay tayong lahat.

Ang remedyo, sa panahon ng giyera ng mga iyan, ipagbawal natin lahat ng barko nila na dumaong sa anomang parte ng Pinas.

Diyan tayo ligtas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here