Home NATIONWIDE Nagpanggap na buntis, nanuhol pa; Lumabag sa EDSA busway, arestado

Nagpanggap na buntis, nanuhol pa; Lumabag sa EDSA busway, arestado

95
0
(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng isang babae matapos dumaan sa EDSA busway at lumabag sa batas trapiko.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naaresto ang babae sa Santolan Station nitong Lunes.

Dahil sa pagdaan sa EDSA busway, hinuli siya ngunit sa halip na makipagtulungan at nagpanggap pang dalawang buwang buntis at nasa gitna ng medical emergency.

Tinangka rin umanong suhulan ng babae ang enforcer ng P500.

“The driver, whose identity is currently being withheld, was apprehended for violations including bribery, influence peddling, refusal to surrender her driver’s license, refusal to surrender her vehicle registration, and illegal use of the EDSA busway, a dedicated lane for public transportation,” ayon sa DOTr.

Bukod sa nabanggit na mga paglabag, magpakita pa ang babae ng calling card ng isang PNP director upang impluwensyahan ang mga enforcer na nanghuli sa kanya.

Sa panig ng Land Transportation Office (LTO), nagtakda na ng pagdinig matapos naglabas ng show cause order laban sa babaeng driver. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here