Home METRO Barkong gamit ng PCG sa WPS kakabitan ng gun-system

Barkong gamit ng PCG sa WPS kakabitan ng gun-system

267
0

MANILA, Philippines – Malapit nang magkaroon ng gun system ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na kadalasang ginagamit sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Sinabi ni PCG spokesperson for West Phillipine Sea Commodore Jay Tarriela na ang sistemang ito ay ilalagay sa dalawang 97-meter multi-role response vessels (MRRV) sa kanilang fleet, BRP Teresa Magbanua at BRP Melchora Aquino.

Ang PCG ay nakabili na ng isa pang limang 97-meter MRRV mula sa Japan, na ang una ay inaasahang darating sa 2027.

Sinabi ng security expert na si Chester Cabalza na ang mga gun system sa mga MRRV ay maglalagay ng ngipin sa mga puting barko, na ayon sa kanya ay may dalawang layunin.

Ang mga barko ng PCG ay ginagamit na magsuplay sa naval outpost sa WPS kabilang ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here