Home METRO BARMM Elections, tiniyak ng Comelec na matutuloy

BARMM Elections, tiniyak ng Comelec na matutuloy

265
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na matutuloy ng kauna-unahang BARMM parliamentary elections sa Oktubre.

Ang pagtitiyak ng komisyon ay kasunod ng pansamantalang pagsuspinde ng Comelec sa pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa BARMM elections.

“At all cost we have to proceed the election by October 13,” sabi ni Garcia.

Ang hakbang ng Comelec ay matapos pumasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagbabago sa hatian ng 7 parliamentary seats ng dating nakalaan sa Sulu.

Sinabi ni Garcia na kailangang ipagpaliban ang pag-imprena ng mga balota para pag-aralan ang mga posibleng epekto nito.

Aniya maari kasing may masayang o mali sa reconfiguration sa balota face.

Tiniyak din ni Garcia na may sapat pa silang panahon kaya hindi ito makakapekto sa kanilang timeline.

Nauna nang nakapag-imprenta para sa final testing and sealing nitong MIyerkules.

Ayon sa Comelec, wala naman itong problema dahil hindi pa ito ang opisyal na balota.

Para sa BARMM parliamentary elections, kailangang makapag-imprenta ng 2.3 milyon balota. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here