Home METRO ‘None of the above’ na opsyon sa balota, ‘di napag-usapan sa BARMM...

‘None of the above’ na opsyon sa balota, ‘di napag-usapan sa BARMM Parliamentary Elections

253
0

MANILA, Philippines – Lumalabas na hindi napag-usapan sa committee level at hindi rin naitalakay sa plenaryo ng parliamento ang pagsasama ng opsyon sa balota ang “none of the above” — isang pagpipilian para sa mga botanteng walang napupusuang kandidadto sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.

Sa isinagawang emergency meeting ng Comelec kasama ang 7 political paries at mga matataas na opisyal ng parliamento, ikinagulat ang planong paglalagay ng opsyon sa balota para sa parliamentary elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na magiging kwestiyonable kung ano ang magiging epekto sakaling ang ‘none of the above” ang mananalo o makakakuha ng pinakamaraming boto.

Ayon kay Garcia, walang pagpipilian ang Comelec kundi isama ang naturang opsyon sa balota maliban na lamang kung magkakaroon ng amendment sa election code ng BARMM bago ang halalan sa Oktubre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here