Home METRO Lalaking nagbanta sa pagkalat ng sex video, tiklo sa Laguna

Lalaking nagbanta sa pagkalat ng sex video, tiklo sa Laguna

221
0

SAN PABLO CITY, Laguna – Arestado ang isang 21-anyos na lalaki matapos magbanta na ikakalat niya ang mga sex video nila ng kanyang karelasyon.

Sa entrapment operation ng PNP Anti-Cybercrime Group, nahuli ang suspek na si “Cortez” sa isang hotel nitong Lunes matapos ireklamo ng biktima na si “Chay,” 38-anyos, may-asawa at residente ng San Pablo.

Kakasuhan ang suspek ng grave coercion kaugnay ng Cybercrime Prevention Act at posibleng paglabag sa Violence Against Women and Children Act. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here