Home NATIONWIDE BARMM nagluluksa sa pagpanaw ng Grand Mufti

BARMM nagluluksa sa pagpanaw ng Grand Mufti

MANILA, Philippines – Nagluluksa ngayon ang
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pagpanaw ni Grand Mufti Abuhuraira Udasan, isang respetado at influential religious leader at mangangaral ng Bangsamoro.

Ang Grand Mufti ay namatay Lunes ng umaga, Hulyo 3, sa kanyang tahanan sa Cotabato City sa edad na 81.

“He will always be remembered as a renowned head of the Bangsamoro Islamic Advisory Council and for his life-long service and dedication to the Bangsamoro struggle. He left a void that is impossible to fill,” saad sa pahayag ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim.

Nagsilbing lider ng Office of Bangsamoro Darul Ifta (BDI) ang Grand Mufti, na karaniwang humahawak sa paglalabas ng fatwas (religious sermons) at nagbibigay ng legal na opinyon kaugnay sa Muslim personal laws at jurisprudence.

Ang Grand Mufti ay tinitingnan bilang ‘revered figure’ ng Bangsamoro community at ikinokonsiderang haligi ng pakikibakang Bangsamoro at ng pamahalaan. RNT/JGC