Home NATIONWIDE BARMM parliamentary elections, tinututukan ng Comelec

BARMM parliamentary elections, tinututukan ng Comelec

MANILA, Philippines – Nakatutok ngayon ang Commission on Elections (Comelec) sa pagsasagawa ng Eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Simula ngayong araw, Nobyembre 4 hanggang Nobyembre 9, isasagawa ang pagtanggal ng Certificate of Candidacy ng mga aspirante para sa unang parliamentary elections.

Kasabay ng paninindigan ng Komisyon na ituloy ang aktibidad para sa unang Parliamentary election sa BARMM , sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nasa kamay ng Kongreso ang desisyon sa pagpapaliban ng kanilang eleksyon.

Kasama na rito ang pagpuno sa nawalang miyembro sa BARMM Parliament matapos magdesisyon ang Korte Suprema na hindi na kasama ang lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Garcia, wala sa pagpapasiya ng komisyon kung sa palagay ng Kongreso o ng Parliament na dapat ikalat ang pitong nawalang puwesto.

Aniya, mas mabuting na ang Kongreso ang magdesidyon dahil isyung politika ang pagpapatuloy o pagpapaliban sa BARMM Parliamentary Elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden