Home ENTERTAINMENT Baron, nakapagpundar ng bahay sa Cebu!

Baron, nakapagpundar ng bahay sa Cebu!

Manila, Philippines – Nais patunayan ni Baron Geisler that gone are his vices as he now looks towards the future.

Kasama siyempre sa kanyang future ay ang kanyang pamilya.

Time was when Baron had a life wasted, walang direksyon, wala ring pakialam if he had so much money.

Kuwento ng aktor: “Dati, pag may P1 million ako, ibibili ko lahat ‘yan ng cocaine!”

Pero nakaraan na raw ‘yon.

Baron proudly says na sa wakas–sa tagal at tanda niya sa showbiz–ay nagkaroon siya ng kanyang first ever investment.

Ang tinutukoy ni Baron ay ang ipinagagawa niyang bahay sa Cebu where he’s currently based.

Eighty five percent na raw itong tapos.

He thanks the Lord for this blessing.

Aniya, pag nawala na raw sila ng kanyang asawa sa mundo, at least ay may maiiwan sila sa kanilang anak na si Thalita.

Balak din daw ni Baron na magkaroon ng ranch sa Mindanao kung saan may property ang kanyang misis, lalo pa’t mahilig daw siya sa mga kabayo.

At pag nakaluwag-luwag ay kasama rin sa plano ni Baron na magpatayo ng apartment para sigurado ang income.

“Maganda ‘yung napupunta sa tama ang pinaghihirapan ko!” realization ng dating wayward actor who now lives a straight life. Ronnie Carrasco III