Home METRO P34M shabu nasabat sa buy-bust

P34M shabu nasabat sa buy-bust

LANAO DEL SUR- Umabot sa P34 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang drug dealer sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes sa bayan ng Malabang.

Kinilala ni Director Gil Cesario Castro ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang nadakip na suspek na si Zacaria Jaji Nandang, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Bagua 2, Cotabato City.

Sa report ng PDEA-BARMM, nadakip ang suspek nitong Lunes ng hapon sa Barangay Matalin, Malabang, Lanao del Sur.

Nakuha sa suspek ang limang kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P34 milyon.

Sinabi ng pulisya na kilala ang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa nasabing lungsod at sa mga karatig-bayan sa mga probinsya ng Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, at Cotabato sa Region 12.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico