Home METRO Misis patay, mister kritikal sa bangga ng multicab

Misis patay, mister kritikal sa bangga ng multicab

LAPU-LAPU CITY- Patay ang isang ginang habang kritikal ang mister nito matapos silang mabangga ng isang pampasaherong multicab noong Lunes sa lungsod na ito.

Kinilala ang namatay na si Susan Oppos Torregosa, 61, habang ginagamot naman sa ospital ang mister at driver ng motorsiklo na si Desiderio Poncol Torregosa, 64, taga Sta.Maria, Pusok, dakbayan sa Lapu-Lapu.

Hawak naman ng pulisya ang suspek na hindi pinangalanan at taga-Soong 1, Brgy. Mactan.

Ayon kay P/Staff Sgt. Edward Intes, traffic police investigator ng Lapu-lapu City Police Office, bandang alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente sa gate 3 Mepza ML Quezon national highway, Brgy. Ibo, ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mag-asawa ng motorsiklo at pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang nagkasalpukan ang multicab at mga biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo sa katawan ang misis na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang dinala naman sa ospital ang mister upang lapatan ng lunas.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property ang suspek. Mary Anne Sapico