Home NATIONWIDE Barracks sa compound ng Batasang Pambansa nasunog

Barracks sa compound ng Batasang Pambansa nasunog

1
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa barracks ng mga manggagawa sa Batasang Pambansa compound sa Barangay Batasan Hills, Quezon City nitong Linggo, Agosto 2.

Ang insidente ay nangyari 9:30 ng umaga at agad namang naapula, ayon sa Quezon City Fire District.

Gawa sa light materials ang barracks na matatagpuan sa dulo ng main building ng House of Representatives.

Wala namang nasaktan sa sunog na umabot lamang sa unang alarma.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here